Creation is the Elements and Respect Coexisting: The Essence of Kitanglad’s Indigenous People’s Beliefs
by Celine Murillo

The Talaandig, Bukidnon, and Higaonon are the indigenous peoples residing in Kitanglad and its environs. They believe that everything is alive – from the elements to all its forms, to animals and plants, all are believed to be sentient and have a soul.

For them, there are spirits dwelling in every thing and every being in our surroundings. We have to treat them as our kin. They, whom the natives call “diwata”, have as much claim to this world as we do. They move in the same space as we do. We partake with them in all the richness of the earth.

This is why whenever the natives need something from nature, they do not grab it so easily. They ask for it with care through rituals. It’s because the river from which they drink water could also be where the diwata drink. The weed that needs mowing could be their crop and food. The tree that would be felled, their home. If we take these things without thought and grace, we will cause our kin trouble and this will displease them. We will suffer their indignation in the form of disasters and tragedies – floods, storms, and illnesses. This is how they let us know we did something wrong.

But the diwata are fair and generous. They grant knowledge to the natives, like which plants could heal ailments. They even bestow protection from danger. In exchange for these gifts, all they ask is recognition and respect.

The indigenous peoples of Kitanglad also recognize the similarities across mankind. Each of us, according to them, is a combination of the same set of elements: water, air, earth, and fire. These elements they revere and consider powerful. And because we are made of these elements, it’s necessary that we respect and care for one another. Deserting one another is akin to disrespecting the powerful elements making up our being.

And this is what the Talaandig, Bukidnon, at Higaonon are doing. The recognition and respect for the diwata is the reason why they fiercely care for Kitanglad and its surroundings. This is home not just to them but also to the diwata. If it is destroyed, their kin will be angered and bring calamities to their communities. Furthermore, the mountain and forest is their pharmacy, their market, school, and church.

For the Talaandig, Bukidnon, and Higaonon, all of creation are one and the same.
We are not separate and adversaries.
Respect is the right of every creation.
This world is for everyone, made of the same elements that birthed all other beings. We must cherish it.
Caring for one is caring for everything.

Ang Sangnilikha Ay Umiiral na Mga Elemento at Respeto: Ang Diwa ng Paniniwala ng Mga Katutubo sa Kitanglad
ni Celine Murillo

       Ang Talaandig, Bukidnon, at Higaonon ay mga katutubong nakatira sa paligid ng Kitanglad. Naniniwala sila na ang lahat ng bagay ay may buhay – mula sa mga elemento at mga anyo nito, hanggang sa mga hayop at halaman, lahat ay pinaniniwalaan nilang may diwa at kamalayan. Sa paniniwalang ito naguugat ang malalim nilang paggalang sa lahat ng nilikha.
       Para sa kanila, may mga espiritu na namamalagi sa bawat bagay at nilalang sa ating paligid. Dapat umano natin silang ituring na kapatid. Sila, na kanilang tinatawag na mga diwata, ay may karapatan din sa mundong ito. Gumagalaw rin sila sa ginagalawan natin. Kahati at kabahagi natin sila sa lahat-lahat ng yaman sa daigdig na ito.
       Kung kaya naman sa tuwing kailangan ng mga katutubo ng yaman ng kalikasan, hindi nila ito basta-basta kinukuha. Ito ay kanilang ipinagpapaalam at hinihingi sa pamamagitan ng mga ritwal. Maaari kasing ang ilog na kukuhaan ng inumin ay kinukuhaan rin ng inumin ng mga diwata. Ang damong tatabasin ay pananim at pagkain pala nila. Ang punong puputulin ay kanila palang tirahan. Kung walang habas itong kukunin at sisirain, mapeperwisyo ang ating mga kapatid at magagalit sila sa atin. Ang galit nila ay mararanasan sa mga sakuna at delubyo – baha, bagyo, o kaya’y mga sakit. Ito kasi ang paraan nila upang ipaalam sa atin na may mali tayong ginawa.
       Ngunit patas at hindi madamot ang mga diwata. Binabahagian pa nga raw nila ang mga katutubo ng mga kaalaman tulad ng kung anong halaman ang pepwedeng makapanggamot. Nagkakaloob rin daw ng proteksyon ang mga diwata mula sa panganib. Kapalit ng mga regalong ito, ang nais lang nila ay kilalanin sila at irespeto.
       At ito nga ang ginagawa ng mga katutubong Talaandig, Bukidnon, at Higaonon. Ang pagkilala at respeto sa mga diwata ang dahilan kung bakit lubos nilang pinangangalagaan ang Kitanglad at ang paligid nito. Ito raw kasi tirahan hindi lang nila kundi pati na rin ng mga diwata. Kapag ito’y nasira, magagalit ang mga kapatid nila na siyang magdudulot ng iba’t ibang kalamidad sa kanilang mga pamayanan. Bukod pa rito, ang bundok at gubat ay ang kanilang parmasya, palengke, paaralan, at simbahan.
       Kinikilala rin ng mga katutubo sa Kitanglad ang pagkakapare-pareho ng bawat tao. Lahat raw tayo ay gawa sa pinagsama-samang elemento ng tubig, hangin, lupa, at apoy. Ang mga elementong ito ay ginagalang nila at itinuturing nilang makapangyarihan. At dahil tayo ay gawa raw sa mga elementong ito, dapat nating igalang at alagaan ang isa’t isa. Ang pagpapabaya sa ating kapwa ay pagdusta sa mga makapangyarihang elementong bumubuo sa ating pagkatao.
Para sa Talaandig, Bukidnon, at Higaonon, magkakabahagi at pare-pareho ang lahat ng nilikha.
Hindi tayo magkakahiwalay at magkakalaban.
Ang paggalang ay walang pinipili at nararapat sa bawat nilalang.
Ang mundong ito ay para sa lahat. Gawa sa parehong mga elementong bumuo sa iba pang nilikha. Nararapat lamang itong pangalagaan.
Ang pag-aruga sa isa ay pag-aruga sa lahat. 

How do you feel about this story?
Happy
Happy
3
Sad
Sad
0
Inspired
Inspired
1
Interested
Interested
0
Surprised
Surprised
0

ASEAN Youth Biodiversity Programme

ASEAN Youth Biodiversity Programme

How do you feel about this story?
Happy
Happy
0%
Sad
Sad
0%
Inspired
Inspired
50%
Interested
Interested
0%
Surprised
Surprised
50%

Ang Sangnilikha Ay Umiiral na Mga Elemento at Respeto: Ang Diwa ng Paniniwala ng Mga Katutubo sa Kitanglad

Mt. Kitanglad Range Natural Park
Share On:
Facebook
Twitter
LinkedIn
Email
Related stories:

The views and opinions expressed by the Young ASEAN Storytellers should not be taken, in any way, to reflect the official position or opinion of the ASEAN Centre for Biodiversity, its partners, the ASEAN Member States, and the ASEAN Secretariat.

Disclaimer

The views and opinions expressed by the Young ASEAN Storytellers should not be taken, in any way, to reflect the official position or opinion of the ASEAN Centre for Biodiversity, its partners, the ASEAN Member States, and the ASEAN Secretariat.

Ang Sangnilikha Ay Umiiral na Mga Elemento at Respeto: Ang Diwa ng Paniniwala ng Mga Katutubo sa Kitanglad

Mt. Kitanglad Range Natural Park
Share On:
Facebook
Twitter
LinkedIn
Email
Related stories:

The views and opinions expressed by the Young ASEAN Storytellers should not be taken, in any way, to reflect the official position or opinion of the ASEAN Centre for Biodiversity, its partners, the ASEAN Member States, and the ASEAN Secretariat.