Tao
Kapag ang lupa’y gumuguho at ang hangin ay bumabagyo, wala silang galit na natatamo. Hindi sa tubig na nanlunod at apoy na tumupok ang sisi ng sakuna.
Itinataguyod ka ng kalikasan — ikaw na may hininga at may dugong dumadaloy patungo sa pusong may nagaalab na loob.
Talikuran mo ang iyong kapwa, at para mo na ring pinagmamataasan ang lupang kumukupkop sayo. Para mo na ring hinahamon ang hangin sa iyong baga, ang tubig sa iyong kalamnan, at ang apoy sa iyong dibdib. Hindi tayo magkakalaban. Hindi kailanman.
Ako at ikaw at ang lahat na nandito, magkakatulad na sumusubok matunton ang hiwaga ng paglikha;
Nauunawaan mo na ba kung bakit at papano?
Ganito: sa bawat pagkuha ay magbahagi; sa bawat pagusap ay makinig; sa bawat pagkakamali ay magpatawad.
Linangin mo nang higit sa lahat ang kakayahan mong magpatawad.
Ang magiliw, ang may saya, ang may malasakit, at mapagalaga ay susuklian ng daigdig ng katumbas at katimbang.
Dakila ang mapagkupkop at mapagpalaya.
People
When the earth erodes and the wind becomes a hurricane, no anger comes to them. It’s neither the water that inundated nor the fire that ravaged who gets the blame for the tragedy.
You are sustained by nature — you who have breath and blood that runs through a heart with a blazing core.
Turn your back on your fellow, and it’s as if you have disregarded the earth that nourishes you. It’s as if you have denounced the air in your lungs, the water in your flesh, and the fire in your chest. We are not foes. We never were.
Me and you and everyone here, we are the same in trying to understand the secret of creation.
Do you now know why and how?
Here it is: for every taking, share; for every speaking, listen; for every wrongdoing, forgive.
Cultivate, above all else, your ability to forgive.
The gracious, those with joy, the compassionate, the nourishing will be repaid by the world equally and justly.
Great is the caring, and the freeing.
The views and opinions expressed by the Young ASEAN Storytellers should not be taken, in any way, to reflect the official position or opinion of the ASEAN Centre for Biodiversity, its partners, the ASEAN Member States, and the ASEAN Secretariat.